Agaw-buhay ngayon ang tatlong magkakaanak makaraan silang pagsasaksakin ng isang lalaki sa Bato, Camarines Sur, inulat ng pulisya kahapon.

Hindi pa batid ang motibo sa pananaksak sa magkapatid na Edwin at Niño Boto at sa pinsan nilang si Joel Salazar.

Ayon sa police report, sakay sa motorsiklo ang mga biktima nang harangin sila ng suspek na si Rico Barido at hinamon sila ng away.

Bigla umanong sinugod ng saksak ng suspek sina Joel at Edwin, na sugatang napalupasay. Tutulungan sana sila ni Niño pero pinagsasaksak din ito ng suspek. (Fer Taboy)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae