Sarah at Matteo kasama ang pamilya at mga kaibigan ng aktor sa Cebu. copy

NAGLALABASAN na sa social media ang mga larawang kuha kay Sarah Geronimo nitong nakaraang Black Saturday, March 26 sa Cebu kasama si Matteo Guidicelli.

Sa mga larawang ipinost sa Twitter nina @sophiaaaz_ ‎@ashmatt_ph, kitang-kitang masaya si Sarah habang nakikipag-bonding sa pamilya at mga kaibigan ng kanyang boyfriend.

May double celebration si Matteo last weekend dahil nagdiwang siya ng kanyang 26th birthday at blessing din ng kanyang restaurant sa Cebu, ang Trattoria Da Gianni, halaw sa pangalan ng kanyang ama.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa mga larawang ipinost, makikita na wala ni anino ni Mommy Divine, ang sinasabing ‘sagabal’ sa relasyong Sarah-Matteo. Pagpapatunay lamang na totoo ang reports na pinapayagan na si Sarah na sumamang mag-isa o walang chaperon kay Matteo.

Twenty-eight (28) years old na si Sarah na nitong mga nakaraang linggo ay nasusulat na umalis sa poder ng kanyang mga magulang, bumalik, at gusto nang tumigil sa kanyang career upang mag-aral.

Pinangangatawanan na kung ganoon ni Sarah ang pagiging malaya sa pagdedesisyon sa kanyang buhay. Hindi na nga naman siya bata na kailangang laging binubuntutan ng nanay.

Sa isang ulat naman ng TV Patrol, sinabing panay ang akbay ni Matteo sa girlfriend at masasabing komportable ang dalawa sa kanilang mga larawan.

Hindi rin maikakailang sweet na sweet sila sa isa’t isa habang kapiling ang Guidicelli clan sa Cebu. (ADOR SALUTA)