Isang 37-anyos na lalaki ang pinatay ng kanyang best friend at kababata matapos ipagtanggol ang kanyang mag-ina sa Port Area, Manila nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Julie Cabico, residente ng Block 15-B Baseco Compound, Port Area, dahil sa saksak sa leeg at iba pang bahagi ng katawan. Arestado naman ang suspek na si Ronnel Escoto, 29, miyembro ng Commando gang, at nakikituloy sa tahanan ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi sa bahay ng biktima.

Hindi mapakaling palakad-lakad at labas-masok sa bahay ang suspek kayat pinatigil siya ni Angelica Ignacio, live-in partner ni Cabico, dahil nagigising ang dalawang taong gulang nilang anak.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nagalit ang suspek at tinutukan ng patalim ang bata. Nagising si Cabico sa sigaw ni Ignacio at nagtanong kung ano ang nangyayari. Agad na itinakbo ni Ignacio ang anak palabas ng bahay ngunit bumalik nang marinig ang pagsigaw ni Cabico nang: “Ron, wag, Ron!” Dito umano niya nakita ang suspek na pinagsasaksak ang biktima na nakayakap sa kaibigan.

Sa pulisya, sinabi ng suspek na napatay niya ang best friend nang pagbintangan siya nitong nagnakaw ng electric fan.

Inamin rin niya na may isang buwan na siyang nakikitira rito at gumagamit siya ng illegal na droga.

(Mary Ann Santiago)