Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Ayon sa Flying V, epektibo 12:01 ng madaling araw ay magtataas ito ng 40 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 20 sentimos sa diesel, at 10 sentimos sa kerosene.

Bandang 6:00 ng umaga naman ipatutupad ng Shell ang kaparehong halaga ng taas-presyo sa mga naturang produktong petrolyo.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo sa mga susunod na araw.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Ang bagong price increase ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Marso 22 nang nagtaas ang oil companies ng 10 sentimos sa presyo ng gasolina at kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel. (Bella Gamotea)