Matteo at Sarah copy

MUKHANG na-realize ng magulang ni Sarah Geronimo na sina Daddy Delfin at Mommy Divine na nasa wastong gulang na ang kanilang dalaga dahil pinapayagan na siyang sumama sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na nag-iisa lang.

Ayon sa report ni Nerissa Almo ng PEP, dumalo si Sarah G sa 26th birthday ni Matteo sa Cebu at magkasama ang dalawa sa Go-Karting Adventure sa Kartzone sa nasabing lalawigan nang walang kasama.

Noong nakaraang taon, dumalo rin si Sarah sa kaarawan ng boyfriend niya pero kasama ang mommy niya at gayundin noong 2014 nang magdiwang si Matteo sa isang restaurant.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayong 2016 ay solo na nga si Sarah na pumunta ng Cebu para makapiling ang boyfriend sa pagdiriwang nito ng kaarawan na itinaon din ang pagbubukas ng restaurant business ni Matteo roon.

Baka ito ang mga kundisyon ni Sarah nu’ng nagkaayos sila ng magulang niya na huwag na siyang higpitan dahil kaya na niya ang sarili niya na bigyan na siya ng kalayaang umalis-alis nang walang chaperone.

Di ba nga, Bossing DMB, umalis si Sarah sa bahay nila at nagmuni-muni ng ilang araw na hanggang ngayon ay malaking kuwestiyon kung kanino siya tumuloy?

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na sinasabi ang Viva Artist Agency na namamahala sa career ni Sarah tungkol sa plano nitong pagbabakasyon muna sa showbiz dahil gusto niyang mag-aral. (REGGEE BONOAN)