LEGAZPI CITY, Albay – Isang pampasaherong bangkay na may sakay na mahigit 90 pasahero patungo sa isla ng Rapu-Rapu sa Albay ang lumubog, habang nasawi naman ang 90-anyos na operator nito matapos atakehin sa puso sa kasagsagan ng rescue operations nitong Sabado ng hapon.

Sinabi ni PO1 Noel Calmante, deputy station commander ng Albay Coast Guard, na dakong 2:29 ng hapon nitong Sabado nang maaksidente ang MBCa St. Therese habang patungo sa Rapu-Rapu mula sa Legazpi Port, na nagresulta sa paglubog ng bangka.

“Ayon po sa aming initial investigation, may tumamang matigas sa may makina nung bangka at nabutas ‘yung body nito, at pinasok ng tubig,” ani Calmante.

Sinabi ni Calmante na nasawi ang may-ari at operator ng bangka na si Teodolo Agarin, 90, matapos atakehin sa puso.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Nilinaw din ni Calmante na hindi overloaded ang bangka, dahil 93 lang ang pasahero nito, kabilang ang 12 tripulante, gayung hanggang 150 ang maiisakay dito. (Niño N. Luces)