OBSERBASYON ng mga taong nakakasama ng magkasintahang aktor at aktres na sobrang in love sa isa’t isa, mukhang hindi na pakakawalan ng guy ang girl dahil talagang perfect match ito para sa kanya.

“Kitang-kita mo na hot na hot si _____ (aktor) kay _____ (aktres) kapag magkasama sila, ang lagkit ng tinginan nila at talagang hindi sila nagbibitaw ng kamay, laging magka-holding hands,” kuwento ng mga kaibigang nakakasama ng dalawa.

“Nakakagulat nga kasi hindi mo alam na si _____ (aktor) pa ang sobrang in love, kaya ang tanong naming lahat, ginayuma ba siya ni _____ (aktres)? Kasi puwedeng in love lang naman dahil nga may relasyon, pero ‘yung hindi mapakali si ____ (aktor) kapag hindi niya nakikita o kasama si _____ (aktres), nakakaloka ‘yun, ha?”

Halos mabaliw-baliw pala ang aktor sa sobrang pagmamahal niya sa aktres.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

O baka nga totoong love is blind, di ba, Bossing DMB?

“Hindi kaya makalimot ang dalawang ‘yan sa sobrang dikit nila, alam mo na?” tanong ng mga kausap namin.

Sagot namin, mukhang malabong makabuo dahil bawal sa kontrata ng aktres na mabuntis lalo’t dalaga at wala pa naman siyang asawa. —Reggee Bonoan