CAMILING, Tarlac - Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang nagmomotorsiklo at isang pasahero nila matapos silang magkabanggaan sa highway ng Barangay Telbang sa Camiling, Tarlac.

Ayon kay PO2 Mario Simon, Jr., na-confine sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital sina Allan Roy Sotero, 25, driver ng Yamaha L2GF motorcycle (CU-4480), ng Bgy. Malacampa, Camiling; Fredo Alitin, 22, driver ng Lucky Star LS-100 motorcycle; at kaangkas na si Reginald Libunao, 18, ng Bgy. Tambugan, Camiling. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog