UMUWI sa bansa si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach nitong Biyernes Santo, tatlong linggo bago ang 2016 Bb. Pilipinas grand coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa Abril 17.

Hindi inihayag ang pagbabalik-bansa ng Filipino-German beauty queen na sa susunod na buwan pa inaasahang uuwi para dumalo sa pageant.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang mga organizer ng Bb. Pilipinas pageant at ang Miss Universe Organization tungkol sa itinerary ni Pia.

Enero nang unang umuwi sa bansa si Pia, 26, nang manalo sa Miss Universe sa Las Vegas, Nevada noong Disyembre.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Simula noon, naging pangalawang tahanan na ni Pia ang New York City bilang reigning Miss Universe.

Ilang oras paglapag sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City, naging viral ang litrato ni Pia habang ineeskortihan ng security personnel sa Cebu City.

“Back in sunny Manila!” post ni Pia sa social media.

Bago magbalik-‘Pinas, nag-post si Pia: “Flying to somewhere warm today. Let the guessing game begin again.”

“Can’t wait to be back home soon and wear a Filipiniana again. Won’t be so long, I hope,” saad naman sa isa pa niyang post.

Dahil napaaga ang kanyang pagbabalik-bansa, inaasahang dadalo si Pia sa press presentation ng 2016 Binibining Pilipinas beauty contest sa Novotel sa Cubao, Quezon City sa Martes, Marso 29.

Ilang araw na ang nakalilipas nang sorpresahin ni Pia ang kanyang fans sa kinumpirma niyang relasyon sa Russian born na si Dr. Mikhail Varshavski.

“In a relationship with Dr. Mikhail Varshavski,” status ni Pia sa Facebook.

Gayunman, iginiit ni Pia na nananatiling prioridad niya ang kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe.

(ROBERT R. REQUINTINA)