Ang programa sa Conditional Cash Transfer (CCT) ay dapat na isabatas upang mas marami pang pamilya ang mabiyayaan at gumanda ang pamumuhay. 

Ito ang pahayag ng senatorial candidate na si Leyte Rep. Martin Romualdez nang ihayag niya na agad niyang isusumite ang Pantawid Pamilya Malasakit bill kung mahahalal siyang senador.

“My priority goal is to embody in law the Conditional Cash Transfer program as a fundamental strategy for poverty reduction and uplifting the situation of the poorest of the poor,” anang mambabatas na taga-Leyte.

“Embodying the CCT in law is the logical consequence for a program that is working, is effective, and is helping millions of families all over the archipelago,” paliwanag ni Romualdez.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Binanggit ni Romualdez ang ulat ng World Bank na ang CCT sa Pilipinas ay isa sa pinakamatatagumpay na programa sa cash transfer sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, halos 4.5 milyong pamilya ang sakop ng CCT, na mas kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Nasabi ni Romuldez na sa kabila ng paglakas ng ekonomiya sa huling limang taon ay hindi pa rin maramdaman ang kaunlaran, lalo ng mahihirap.

Naniniwala si Romualdez na dapat nang palawakin ng Kongreso ang sakop ng 4Ps mula sa kasalukuyang 4,353,597 aktibong households-beneficiaries para makasama na rin ang mga nasa malalayong sulok ng bansa. (Jun Fabon)