Tatlong araw bago siya nagbigti nitong Biyernes Santo sa kanyang bahay sa Quiapo, Manila, nakuha munang mag-post sa Facebook ng isang dating fast food crew upang mamaalam sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Natagpuan ng pulisya ang malamig na bangkay ni Mark Anthony Absalon, dating service crew ng isang hamburger chain, habang nakabitin sa kisame ng kanyang bahay sa Nepomuceno Street sa Quiapo.

Ini-report sa pulisya ng girlfriend ng biktima na si Mary Jane Ramos ang pagpapatiwakal nito. Suot pa ni Absalon ang T-shirt na may imahe ng Poong Nazareno nang magpakamatay.

Bago ito, huling namataan si Absalon na nakikipag-inuman sa isang grupo ng kalalakihan dakong 1:00 ng umaga nitong Huwebes.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Nauna rito, nabasa pa ng mga kaanak ng biktima ang kanyang post sa Facebook dakong 7:17 ng gabi nitong Miyerkules, nang nag-status siya ng “feeling paalam.”

Ayon sa pulisya, tumanggi na rin ang pamilya ng biktima na paimbestigahan ang pagpapatiwakal ni Absalon.

(Jenny F. Manongdo)