Kritikal ngayon sa isang ospital ang isang 25-anyos na lalaki matapos siyang paluin ng bote sa ulo nang lusubin siya ng isang tricycle driver sa kanyang bahay sa Pasig City, nitong Huwebes ng madaling araw, dahil umano’y matinding selos.

Ayon sa pulisya, pinasok ng suspek na si Michael Loterte, 27, tricycle driver, ang bahay ni Alwin Caagbay sa Purok 4, Barangay Pineda, Pasig City at biglang pinagpapalo ng bote sa ulo ang huli, dakong 1:00 ng umaga nitong Huwebes.

Dahil sa matinding galit, ginamit din ni Loterte ang basag na bote upang saksakin si Caagbay sa tagiliran bago tumakas.

Ayon kay PO3 Rodelio Olalia, sinabi ng live-in partner ni Caagbay na si Dayanara Grefal na bago ang insidente ay nagkasagutan sila ni Loterte dahil sa umano’y pakikipagrelasyon niya kay Caagbay.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Matapos ang ilang oras, nilusob ni Loterte si Caagbay sa bahay at pinagpapalo ng bote habang mahimbing na natutulog.

Kasalukuyang ginagamot si Caagbay sa Rizal Medical Center habang si Loterte ay nakapiit sa Pasig City Police Station jail, at nahaharap sa kasong frustrated murder. (Betheena Kae Unite)