TULUYANG naghain ng diborsiyo si Frances Bean Cobain laban sa asawang si Isaiah Silva, ayon sa People.

Sa mga dokumentong hawak ng People, ang 23 taong gulang na anak ni Courtney Love at ng yumaong Nirvana front man na si Kurt Cobain ay naglahad ng malaki nilang pagkakaiba ng asawa na dahilan sa hindi nila pagkakasundo makalipas ang 21 buwang pagsasama.

Ayon sa naging pahayag ni Cobain sa mga dokumento, si Silva, na pinakasalan niya noong Hunyo 29, 2014, ay hindi dapat makakuha ng pera mula sa pag-aari ng kanyang ama, na nagkakahalaga ng $450 million.

Hinihiling sa mga dokumento na lahat ng pag-aari nilang mag-asawa ay dapat na mapunta sa kanya bukod pa sa ibang arian-arian. (People.com)
Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang