Alden Maine 8th copy

HIWALAY ngayong Holy Week ang magka-love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza. Nasa Canada si Alden, kasama si Rocco Nacino with comedian na si Kim Idol, para sa Bae In The City Canada Tour 2016.

Inabot ng almost 23 hours ang flight nila from Manila to Canada dahil hindi sila direct flight, nag-stop over pa sila sa South Korea.

Bago pa man dumating sa Canada sina Alden at Rocco, sold out na ang tickets ng mga show nila sa Winnipeg, Edmonton at Vancouver. Sa Vancouver agad nagkaubusan ng tickets.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kita rin kung paano tinilian ang Kapuso stars, pagdating pa lamang nila sa airport ng Vancouver. 

Grabe ang mga taong sumalubong sa kanila, halos doon na natulog sa airport ang mga ito sa paghihintay sa kanila, kaya walang inaksaya ang Red Productions na producer ng show at salang agad sila sa press conference. 

Filled to the rafters ang first show nila sa Winnipeg last March 22. Ganoon din sa Edmonton, na sinalubong din sila ng napakaraming fans. Kahapon, Holy Thursday, ang last day ng show nila sa Massey Theater in Vancouver. 

Free day na nila ngayong Good Friday, at si Alden, gustong mag-Visita Iglesia, tulad ng ginagawa niya kapag nasa Pilipinas siya, kasama ang kanyang family. 

Sasamantalahin na rin daw niyang makapag-rest after ng sunud-sunod na work bago siya umalis ng Pilipinas na halos wala siyang tulog. 

Nang makausap namin si Alden after ng kanyang show sa Ynares Center sa Antipolo City last weekend, nasabi niyang hihingi siya ng kahit three days na vacation, na wala siyang gagawin kundi matulog. Ma-grant kaya ang wish niya?

Meanwhile, nasa blog ni Maine Mendoza na gusto sana niyang i-spend ang Holy Week sa New York City at mag-isa lamang siyang pupunta roon, since nag-stay na rin siya nang matagal sa Big Apple noong nag-OJT siya sa isang hotel doon para sa kanyang Culinary Arts course sa St. Benilde College. Pero hindi niya itinuloy ang balak dahil alam niyang hindi siya papayagang magbiyaheng mag-isa ng parents niya. 

Pero gusto raw niyang ituloy ang muling pagpunta sa New York, kung makakalibre siya sa schedule. As of now parang malabong matupad ang wish niya dahil balitang by April, magsisimula na silang mag-shooting ng solo movie nila ni Alden under APT Entertainment.

Congratulations din sa “Eat Bulaga Lenten Special” dahil pawang magaganda ang episodes na ipinalabas nila simula noong Holy Monday, Holy Tuesday at Holy Wednesday. Pero isang pagkilala sa episode nilang God Gave Me You dahil sa tema nilang forgiveness and love, tamang-tama talaga para sa Holy Week. Ang ikinaiba nga lamang nito, first serious acting performance ito ni Maine at ni Jake Ejercito na bibigyan rin namin ng pasadong marka. 

Halata pa ang nerbiyos ni Jake sa mga eksena pero, naka-deliver siya, with the assistance of Direk Joyce Bernal. At si Alden, muli naming napanood ang mahusay na performance na lagi niyang naipapakita sa ginawa niyang drama series sa GMA-7. Right time na siguro para muli siyang gumawa ng isa pang magandang drama series. (NORA CALDERON)