Naglaan ang Commission on Elections (Comelec) ng P27.9 million para ipambili ng 93,000 voter receipt receptacle para sa halalan sa Mayo 9.

Sinimulan na ng Comelec–Bids and Awards Committee (BAC) ang proseso ng public bidding para sa voter receipt receptacles na tinatayang magkakahalaga ng P300 bawat isa.

Sa Invitation to Bid, sinabi ng Comelec na ang complete set ng bidding documents para sa voter receipt receptacles ay maaari na ngayong bilhin sa halagang P25,000 ng mga interesadong bidder hanggang sa April 11 sa BAC Secretariat Office sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Manila.

Itinakda ang Pre-Bid Conference Marso 28, 2 p.m. sa Personnel Department Conference Room, sa Palacio del Gobernador Building.

Pelikula

Remastered ‘Jose Rizal’ movie, eere na sa Netflix sa Rizal Day

Ang Submission at Opening of the Bids, naman ay itinakda sa Abril 11, 9 a.m. at 10 a.m., ayon sa pakakasunod, sa parehong gusali ng Comelec main office.

Bukod sa voter receipt receptacles, sinimulan na rin ng Comelec– BAC ang bidding process para sa 100,000 pirasong gunting, na mayroong approved budget contract na P1 million, katumbas ng P10 bawat piraso.

Ang mga interesadong bidder ay maaaring bilhin ang complete set ng bidding documents para sa mga gunting sa halagang P1,000 hanggang Abril 13 sa BAC Secretariat Office sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Manila.

Nakatakda ang Pre-Bid Conference sa Marso 30, 2 p.m. sa EBAD Conference Room sa Palacio del Gobernador Building.

Ang Submission at Opening of the Bids, naman ay nakatakda sa Abril 13, 9 a.m. at 10 a.m., ayon sa pagkakasunod, sa Palacio del Gobernador Building, sa Comelec Head Office. (Leslie Ann Aquino)