Alex Gonzaga during the Q and A at her book launch copy

MATAPOS tulungan ang maraming kababaihan kung paano maka-move-on sa break-up sa kanyang unang librong Dear Alex, Break Na Kami?! Paano?! Love, Catherine, nagbabalik ang best-selling author at aktres na si Alex Gonzaga sa kanyang pangalawang libro na siguradong magiging isa na namang importanteng bahagi sa buhay pag-ibig ng kanyang mga mambabasa.

Pinamagatang Dear Alex, We’re Dating. Tama, Mali?! Love, Catherine, inilunsad ang second book nitong March 20 sa National Bookstore- Glorietta 1 na dinaluhan ng daan-daang fans ni Alex.

Angkin ang kinagigiliwang personality, inaliw ni Alex ang crowd sa kanyang mga nakakatuwang tips at sagot sa Q&A portion. Mas naging engaging ang event dahil sa mahusay na pagho-host ni Robi Domingo. Pagkatapos ng programa, game na game si Alex sa pagpirma ng autograph at pag-pose sa selfies na kasama ang kanyang mga tagahanga.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang pangalawang libro ni Alex ay naglalaman ng detalye tungkol sa iba’t ibang stages ng pakikipag-date na punung-puno ng sense of humor dagdag pa siyempre ang mga relationship advice galing mismo sa kanya, pati na rin kina Daddy Bonoy, Mommy Pinty, at Ate Toni niya.

“Napakadaming rules — gawin mo ito, gawin mo ’yan. Pero ang libro ko ay hindi rule book. Ito ay isang guidebook lang,” ani Alex.

Kasama rin sa libro ni Alex ang kanyang past experiences na tiyak na maraming makaka-relate dagdag pa ang kanyang quotable quotes at jokes na minahal ng fans sa book one na nakabenta ng higit pa sa 120 thousand copies.

Ang Dear Alex, We’re Dating. Tama, Mali?! Love, Catherine ang pinakabagong naidagdag sa listahan ng bestselling books ng ABS-CBN Publishing kasama ang mga librong sinulat nina Sen. Miriam Defensor Santiago, Georgina Wilson, Solenn Heussaff, Ramon Bautista, at Juan Miguel Severo, ang best-selling authors nito.

Ang bagong libro ni Alex ay mabibili sa lahat ng National Book Store outlets nationwide sa halagang 195 pesos.