MINSAN n’yo na bang naitanong sa sarili kung ano ang pinagkakaabalahan ng award-winning actor na si Tom Hanks kapag may libre siyang oras? Kung ang Twitter account niya ang pagbabatayan, puwedeng sabihing nais ng bida ng Bridge of Spies na maging Lost and Found officer.

Sa hindi mabatid na dahilan, nagdesisyon si Tom na gamitin ang kanyang Twitter account para maibalik ang mga nawaglit na gamit sa mga nagmamay-ari nito, sa tulong ng kanyang 11.6 milyong followers.

Mahigit isang taon na ang nakalipas simula nang gawin ni Tom na lost and found feed ang kanyang Twitter account.

Kabilang sa mga nawaglit na gamit na napulot niya at pinaghahanap ang may-ari ang isang maruming tinidor na natagpuan niya sa dagat, isang piraso ng asul na medyas, at isang pink mitten.

Naol laging pinipili! SB19 Stell, pinili maging coach kahit di umikot

Walang nakakaalam kung matagumpay bang naibabalik ni Tom sa mga may-ari ang mga napulot niyang gamit, maliban sa isang ID ng estudyante ng Fordham University na natagpuan niya sa isang parke noong nakaraang taon.

“Lauren! I found your Student ID in the park. If you still need it my office will get to you. Hanx,” tweet ni Tom sa litrato habang tinatakpan ng kanang hinlalaki ang apelyido ng estudyante. (Yahoo News)