Dadalo si dating Pangulong Fidel V. Ramos at sikat na health guru na si Cory Quirino sa isasagawang ‘Araw ng Kagitingan Fun Run’ na inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Abril 9 sa Quirino Grandstand.

Isasagawa ng PSC ang aktibidad bilang pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kpakanan ng sambayanan. Tampok ang 3km at 5km sa fun run upang bigyan ang mamamayan ng saya at katuwaan.

Inaasahan din ang national athletes at coaches na makikilahok sa nasabing fun run.

Sisimulan ang aktibidad ganap na 5:00 ng umaga sa harap mismo ng Quirino Grandstand bago tahakin ang ruta na dadaanan ang Ospital ng Maynila sa Malate pabalik sa Luneta Park.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Tinatayang aabot sa 3000 kalahok mula sa iba’tibang grupo at organisasyon ang pakikibahagi sa aktibidad. Bukas ang karera para sa mga 18-anyos pababa habang ang kabataan ay maaaring sumali sa pagpresenta ng written permission ng mga magulang o guardian para makalahok.

Magbibigay ng cash prize para sa unang tatlong puwesto sa bawat kategorya, habang magbibigay din ng singlet sa unang 1,500 finisher.

Libre ang pagpapatala at maaaring magparehistro sa PSC Athletes Dining Hall sa P.Ocampo Sr. St, Manila. Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa event secretariat sa 5250808 local 150 at hanapin lamang si Ms. Lorna Lorico o si Ms. Tin Leongson. (Angie Oredo)