JENNYLYN copy copy

NAOSPITAL lang kamakailan si Jennylyn Mercado, may nagpakalat na agad ng tsismis na buntis raw siya courtesy of her boyfriend Dennis Trillo.

Nang marinig namin ang tsika, agad kaming nagpatanong sa manager ni Jen na si Tita Becky Aguila na agad namang natawa.“Ha-ha! Ano ba ‘yan?” mensahe niya kay Katotong Vinia Vivar. “May hormonal imbalance si Jen due to stress, inadequate nutrition and kulang sa rest/sleep. She is not pregnant. Jen has health issues.”

Oo nga, kung buntis si Jennylyn ay hindi niya magagawa ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na Just The 3 of Us na palabas na sa Hunyo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

At may uumpisahan na naman siyang bagong teleserye sa GMA-7.

Samantala, sa Black Saturday (March 26) na mapapanood sa GMA-7 din ang Lenten special ni Jen na produced ng APT Entertainment, ang Pagsubok kasama si Tom Rodriguez, 7:30 – 9:00 PM. (REGGEE BONOAN)