Sa halip na makakuha ng suporta mula sa mga botanteng Muslim, umani ng batikos si Liberal Party presidential aspirant Mar Roxas dahil sa paggamit niya ng katagang “mga Muslim na mananakop” upang tukuyin ang mga responsable sa pag-atake sa Zamboanga City noong Setyembre 2013.

Sa isang text message, pumalag ang One Bangsa Movement (1Bangsa), na koalisyon ng mga grupong Moro, sa paglalarawan ni Roxas sa mga Muslim bilang mga “mananakop” kaugnay ng Zamboanga City siege na pinangunahan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari.

Nagsagawa ng emergency meeting ang mga leader at miyembro ng 1Bangsa sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila kahapon, at binalangkas ang kanilang hakbangin laban sa umano’y pagiging manhind ni Roxas sa hanay ng mga Muslim.

Balak ng grupo na magpadala ng “open letter” kay Roxas upang klaruhin sa pambato ng administrasyon kung bakit nito ginamit ang katagang “Muslim na mananakop” upang tukuyin ang grupo ng MNLF, sa presidential debate sa Cebu nitong Linggo.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Ang naturang mga salita ay ay binitawan ni Roxas matapos siyang akusahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na PDP-Laban presidential aspirant, na walang naitulong ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) hindi lamang sa kaguluhan sa Zamboanga City noong Setyembre 2013 kundi maging sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ noong Nobyembre 2013. (Edd K. Usman)