KRIS AT CHLAUI copy

PINAKAAPEKTADO sa pagtatapos ng Little Nanay bukas sina Kris Bernal at Chlaui Malayao, ang gumaganap na mag-ina sa teleserye ng GMA-7. Naging close ang dalawa sa taping at feeling ni Kris, anak niya talaga si Chlaui at second mom naman ang turing sa kanya ng child star.

Kuwento ni Kris, kapag may crying scene siya, si Chlaui ang unang lumalapit sa kanya ‘pag nag-cut na si Direk Ricky Davao at agad papahirin ang mga luha niya. Kapag nasa taping sila, lagi itong nakasunod sa kanya kahit saan siya pumunta.

Bago ginanap ang last taping day nila, nag-post si Kris ng picture nila ni Chlaui sa Instagram na may caption na, “You would be my hardest goodbye among the cast. One of the reasons why I look forward to tapings is because I’ll be with you. I enjoy being with you, sharing scenes with you, cos I feel you genuinely care for me! I’ll miss your lambings! Running to me, jumping onto my lap and just cuddling with me! You are my star! You are #LittleNanays brightest star! I love you Chlaui, so much!”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sobrang love rin ni Chlaui ang screen mom niya dahil tuwing may taping, lagi siyang may dalang pasalubong kay Kris.

Sa last taping day nila, niregaluhan niya ng wall clock si Kris na may picture niya. Sabi ni Kris, isasabit niya ang wall clock sa kuwarto niya para lagi niyang makikita ang picture ni Chlaui.

Sa pagtatapos ng Little Nanay, tiyak na magkakaroon ng separation anxiety ang buong cast na naging magkakaibigan at parang pamilya na ang turingan. Ang hindi lang maganda, parang biglang natigil ang panliligaw ni Renz Fernandez kay Kris.

Bigla na lang daw natigil ang pagpapadala ni Renz ng flowers at food kay Kris na for sure, ipinagtaka rin ni Kris.

Ibig sabihin lang, hindi pa rin si Renz ang right guy for Kris. Better luck next time sa kanilang dalawa.

(Nitz Miralles)