MAY inihahanda pala sanang big presscon para sa isang personalidad at sa latest product endorsement niya, pero hindi ito maituluy-tuloy ng ad agency na may hawak ng produkto dahil super-nega ang endorser.

Sinabihan ng may-ari ng produkto ang ad agency na may hawak ng event na i-hold muna ang kanilang press launch dahil baka kung anu-anong kanegahan lang ang itanong sa presscon, e, dapat mag-focus daw sa produkto na sobrang lakas pa naman ngayon sa market.

“Baka raw kasi makaapekto sa produkto ang pagkuha kay _____ (personalidad) bilang endorser, sayang naman. Since wala pa raw nakakaalam na si _____ (personalidad) na ang bagong endorser, e, saka na lang siya i-launch, tutal busy din naman siya ngayon,” kuwento ng aming source.

Mas lalo pang naging nega ang personalidad nang ilaglag siya ng isang kilalang brand at ipina-ban naman ng isang mall sa ibang bansa dahil sa pagiging taklesa. (Reggee Bonoan)
Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!