ZAMBOANGA CITY – Dalawang katao ang nasawi at tatlong iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang tanker truck sa isang tricycle sa national highway sa Barangay Tigbanuang sa Tungawan, Zamboanga Sibugay, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Tungawan Police ang mga namatay na sina Egmedio Manuba, Jr. y Jumuwad, 19, binata; at Abdulkadir Dusing y Namla, 20, binata, kapwa ng Tungawan.

Nasugatan naman sina Rasul Hermosilla y Hasim, 31, walang asawa; Abdulkair Abubakar y Hasim, 18, walang asawa; at Egmedio Manoba y Baya, 49, may asawa, pawang taga-Bgy. Tigbanuang sa Tungawan.

Kapwa pasahero ng tricycle sina Manuba at Dusing nang mabangga ito ng tanker truck na minamaneho ni Edgar Patricio y Ohoylan, 46, ng Bgy. Tugbungan, Zamboanga City. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog