NAGPA-SET kami ng interview para sa grupong Hashtags na nakikilala na ngayon dahil sa magandang exposure sa It’s Showtime at labing-isa pala ang miyembro nito at so far ay hindi na sila magdagdag, ayon kay Makoy de Leon na taga-Tondo, Manila at anak ng dating miyembro ng grupong Male Attractions na kasabayan ng Streetboys at UMD noon.

Makoy de LeonNamana ni Makoy ang galing ng tatay niya sa pagsayaw kaya nang mag-audition siya para sa Hashtags ay pasok kaagad siya.

 

Laking Divisoria si Makoy na iginagapang pag-aralin ng magulang niya sa Mapua Institute, third year siya sa Civil Engineering at sa San Sebastian naman siya nagtapos ng elementarya at high school.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

 

Hindi naman regular ang kita ng tatay ni Makoy bilang theater artist kaya pinasok na niya ang showbiz at nakakadalawang taon na siya. Unang teleserye niya ang Be Careful With My Heart at naging ka-love team niya si Janella Salvador pero hindi nagtagal dahil napunta na kina Jerome Ponce at Marlo Mortel.

 

Panganay sa tatlong magkakapatid na lalaki si Makoy at determinado siya sa kanyang pagsisikap sa showbiz.

 

“Nasuwertihan po na napasama po kami sa seryeng We Will Survive at si Maris Racal ng Pinoy Big Brother Teen Edition All In,” kuwento ni Makoy.

 

Napakarami nilang miyembro ng Hashtag, ano ang gimik niya para mapansin siya at paano siya matatandaan ng tao?

 

“Ako po ‘yung pinakamaliit sa amin, kasi 5’6” lang po ako, ‘yung iba po kasi 5’6” pataas. Kaya nga po iniisip ko kung paano ako mapapansin, so ibinibigay ko po talaga ‘yung best ko sa pagsasayaw,” sabi ng bagitong aktor.

 

Role na pang-heavy drama ang gusto ni Makoy kung papalarin daw siyang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng sariling serye.

“Mas gusto ko po kasi ‘yung nailalabas ko ‘yung nararamdamam ko, kasi po tahimik akong tao. Gusto kong umiyak, sumigaw. Kaya sobrang tuwa ko po at napasama ako sa Lenten Season special ng Showtime bilang anak ni Sir Joey Marquez, talagang napahagulgol po ako rito.

 

“Bale coach po ng basketball si Sir Joey na tatay ko, pero maski na anak ako, pinagagalitan niya ako sa lahat, nangmamaliit siya, hindi po kasi ako masyadong marunong sa basketball.”

 

May peg si Makoy pagdating sa pag-arte.

“Si Coco Martin po talaga ang gusto kong sundan sa pag-arte, gusto ko siyang makatrabaho, nagpa-picture nga po ako sa kanya dati, ‘kaso hindi ko naman siya nakausap pa. Marami po kasi akong gustong itanong sa kanya, saka napapanood ko ‘yung mga interview niya at sobrang humble at may sense po talaga.”

 

Masyadong mahiyain si Makoy na parang si Coco nga noong bago si Makoy at mulato rin tulad ng Primetime King ng ABS-CBN.

 

Diretsong tanong namin, sikat na ba si Makoy dahil sa Hashtags? 

“Hindi po,” mabilis na sagot ng binata. --Reggee Bonoan