Arestado ang isang 39-anyos na lalaki at ka-live in nito matapos silang ireklamo ng isang vendor na binayaran umano nila ng pekeng P200 bill para sa ininom at kinain nilang paninda nito sa Parañaque City, kamakalawa.

Naghihimas ngayon ng rehas na bakal sina Carlos Valencia, 39, ng 7723 Salinas Street, San Dionisio, Parañaque; at Ma. Marietta de la Cruz, 44 anyos.

Naaresto ang mag-live in partner sa FDJ Travellers Inn sa NAIA Avenue, sa Sto. Niño, matapos ireklamo ni Rodel Liasos, 38, isang vendor.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong 4:45 ng umaga nitong Sabado nang umorder ng pagkain at inumin sina Valencia at de la Cruz kay Liasos at nang singilin ang dalawa ay iniabot ng mga ito ang isang P200 bill.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Nang kilatisin ni Liasos ang salapi, napansin niya na peke ito kaya agad siyang tumawag ng pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.

Bukod sa pekeng P200, nabawi rin ng pulisya sa mga suspek ang bogus na P100 at P50 bill, at pinaghihinalaang drug paraphernalia. - Martin A. Sadongdong