Piolo at John Lloyd sa 'Hele Sa Hiwagang Hapis' copy

MASAYANG-MASAYA si Piolo Pascual sa kinahinatnan ng kanilang pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis, na nagkamit ng Silver Bear Award sa Berlin International Film Festival na dinaluhan nila ng kanyang co-star na si John Lloyd Cruz at ng kanilang director na si Lav Diaz at producer na si Paul Soriano.

Ipapalabas na ang Hele… sa mga sinehan sa Manila sa Marso 26, pero ang tanong ay kung papasukin ba ito ng local moviegoers since eight hours ang itatakbo ng buong pelikula?

“Upon watching it in Berlin, maiisip mo talaga na eight hours is nothing,” paliwanag ni Papa P. “At the end of the day, it’s about conditioning yourself as to how far or how long you’re going to be sitting in a theater. It’s a treat more than it being a sacrifice.”

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Hindi naman boring ang film, ayon sa ilan naming source na nakapanood na nito, sa katunayan ay marami raw matututuhan ang viewers lalo na sa history natin.

“You learn so much about history, about filmmaking. It brings you there. In all honesty, I’m not trying to patronize the film pero bitin pa siya. Ang dami pang puwedeng puntahan ng story but of course, mahirap naman na buong araw tayo nasa sinehan.”

Hindi ba nilang pinag-iisipang gawing serye ang pelikula?

“I actually thought of that… (But) It deserves to be sat down and just be experienced one time. For you to understand the whole film, you have to watch it from beginning to end ng one sitting,” suhestiyon niya.

Nilinaw din ni Piolo na after Berlinale, ang nais nila ay maipakita sa Pinoy moviegoers ang kanilang obra at isinantabi ang pagiging box-office gaya ng Heneral Luna na kulelat sa umpisa ngunit naging word-of-mouth ang publicity kaya’t pinilahan ng mga tao.

“You know what, if I may share, I don’t know if it’s true pero after our Berlin premiere, Paul told us that we have 80 invites from different festivals. Even if we don’t have a commercial run, those invites alone will cover for more and make the film earn.

“Kasi hindi naman kailangan, pero para sa atin, it’s a privilege to watch something as great as this. Kung sa international market pinapalakpakan, dapat dito may support tayo because that is the only way we can come up with films like this,” pahayag ng aktor.

Isang hamon para kay Piolo ang Hele Sa Hiwagang Hapis na ayon sa kanya ay bihira lang mangyari sa Philippine cinema, ang walong oras na pagbababad sa sinehan para lamang sa iisang pelikula. May suporta naman ang kanyang mother studiuo, ang Star Cinema sa pagpo-promote ng pelikula.

“It’s really a challenge. It’s up to you if you are willing to take on the challenge instead of just checking your social media accounts and becoming consumed by what the world is saying. We should also enrich ourselves. It’s election time, so it’s a privilege more than it being a challenge,” may pagmamalaking paglalarawan ni Piolo sa kanilang pelikula. (ADOR SALUTA)