TARLAC CITY – Isang 24-anyos na binata ang pinatay ng kilabot na riding-in-tandem criminals sa Mabini Street, Barangay Paraiso sa Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief, Supt. Bayani Razalan, pinagbabaril sa ulo at sa iba pang parte ng katawan si Joshua Cortez, na kasalukuyang nakatira sa Room 3 ng Tayag’s Apartment sa Bgy. Paraiso.

Ayon sa imbestigasyon, pasado 4:00 ng hapon at pauwi na si Cortez sakay sa kanyang Yamaha RS motorcycle nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo.

Samantala, nadiskubre ng nurse na si Anarie Andres Corpuz sa kanang bulsa ng suot ni Cortez ang isang cigarette lighter at transparent plastic sachet na may lamang shabu.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa report, ang isa sa mga suspek ay may taas na 5’7”, balingkinitan, nakasuot ng itim na tsinelas at sweatshirt. (Leandro Alborote)