Korina kasama ang 'Rated K' staff copy

SWAK na swak para sa Holy Week ang espesyal na episode ng Rated K mamayang gabi. Dadayuhin ni Korina Sanchez-Roxas ang mga mga paboritong destinasyon ng mga deboto at pilgrims tulad ng Manaoag at iba pang mga lugar na humihingi ng milagro ang mga tao.

Iimbestigahan din ni Koring ang isang mangagamot na tubong Pampanga na nanggagamot diumano gamit ang itlog at suso.

Ipapakita rin ng misis ni Mar Roxas ang pinakamagagandang outdoor at floating restaurants na perfect na kainan ngayong summer season.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ibibida rin ng beteranang broadcast journalist ang mga kakaibang sasakyan katulad ng karaoke jeepney, mala-sports car na tricycle, at robotic na motorsiklo.

Dahil sa team work at mahusay na pamumuno ni Korina sa kanyang staff, palaging pasok ang Rated K sa Top 10 Most Watched TV Programs sa buong bansa base sa national survey ng Kantar Media. Tutukan uli ang Rated K mamayang gabi 8:45 PM sa ABS-CBN pagkatapos ng Pilipinas Got Talent.