Caitlyn copy

NILINAW na ni Caitlyn Jenner na hindi niya gustong makita siya ng publiko na may kasayaw na lalaki.

Sa isang video clip mula sa Sunday episode ng I Am Cait, nasa isang hotel bar sa Chicago ang 66 na taong gulang na reality star kasama ang kanyang mga kaibigan nang aminin ni Caitlyn na “uncomfortable” siya sa pakikipaglandian sa publiko.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“For me, the big problem that I have in a lot of things is rejection,” pag-amin ni Caitlyn. “That’s why probably one of the reasons I didn’t date that much.”

“She doesn’t really know how to talk to guys, at all, with a flirt, with something more than just who she is,” paliwanag ng matalik na kaibigan ni Caitlyn na si Candis Cayne.

“She doesn’t know how to follow, she wants to lead. Sometimes when you’re talking to guys, you have to take the backseat a little bit,” dagdag ng aktres. “I don’t know if she’s ready to do that.”

Tinanong kamakailan ang dating asawa ni Caitlyn na si Kris Jenner tungkol sa rebelasyon ng una na interesado siyang makipag-date sa mga lalaki simula nang magpalit ng kasarian, na tinawag ni Kris na “confusing”.

“I think that I really want her to be happy and be really comfortable in all the things where she says she wasn’t her true authentic self for most of her life,” pahayag ni Kris sa kanyang pagbisita sa The Ellen DeGeneres Show.

(ET Online)