Regeen copy copy

GINULAT ni Regine Velasquez ang viewers ng Tonight With Arnold Clavio sa kanyang rebelasyon kay Arnold Clavio na nagbuntis siya bago pa man sila ikasal ni Ogie Alcasid. Kaya lang nakunan siya at naging dahilan ‘yun ng one year depression at paglayo niya sa Diyos.

“Galit na galit ako kay God that time hanggang unti-unti, pumupunta ako sa Victory at naging daan ‘yun para maging Born Again Christian ako,” kuwento ni Regine kay Arnold.

Naunang maging Born Again Christian kay Regine si Ogie, pero hindi siya nito pinilit na maging Born Again Christian din. Masaya si Regine sa religion niya ngayon at makikita ito sa mga post niya sa Instagram.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Muli nang mapapanood si Regine sa rom-com series na Poor Señorita na magpa-pilot sa March 28, pagkatapos ng 24 Oras. Enjoy si Regine sa role niya na dating mayaman na naghirap at ang peg niya sa role ni Rita ay si Meryl Streep.

“Si Meryl Streep sa Devil Wears Prada ang peg ko kay Rita na kahit comedy but more animated. Hirap akong maging refined and animated at the same time. It’s kinda hard to balance,” wika ni Regine.

One week guest si Dingdong Dantes sa Poor Señorita bilang si Rafael, hotel owner na makaka-blind date ni Rita. Kaya lang, hindi si Dingdong ang makaka-bed scene ni Regine, kundi si Mikael Daez. (Nitz Miralles)