CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang pinaghihinalaang shabu laboratory sa Angeles City kung saan nakumpiska ang P50 milyong halaga ng shabu at drug paraphernalia.

Armado ng search warrant, sinalakay ng mga ahente ng PDEA at PNP ang dalawang bahay sa Clover Street, Timog Park Subdivision, Barangay Pampanga, Angeles City, dakong 8:30 ng umaga kahapon.

Bigo naman ang mga operatiba na maaresto ang isang Rosemarie Xiao at mga kakutsaba nito na sinasabing nagmimintina ng shabu laboratory.

Sinabi ni PDEA Regional Director Gladys Rosales na maituturing na medium-scale laboratory, na may kakayahang lumikha ng 10 hanggang 15 kilo ng shabu kada araw, ang kanilang sinalakay. (Franco Regala)

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro