Alden Maine Dakak stuffed toy copy

ANG biruan, sina Alden Richards at Maine Mendoza na ang bagong Tulog King & Queen. Mantakin ba namang sa gitna ng pagtatrabaho, nagnanakaw sila ng tulog!

Literal na kita ang puyat at pagod sa magka-love team sa first day ng taping at TV commercial shoot nila para sa Dakak Park & Beach Resort sa Dapitan City, Zamboanga del Norte last Monday.

Hindi naman kataka-taka dahil as early as 4:30 AM ay nasa National Breakfast Day na sila ng isang food chain, at pagkatapos ng event, dumiretso na sila sa airport para sa flight nila in a private plane sa Dakak.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Based sa pictures na posted sa Facebook account ng resort, nag-lunch lang sila at tuluy-tuloy nang nagtrabaho. Eh, napakainit pa naman ng sikat ng araw.

Nag-shoot sila sa lahat ng amenities na inio-offer ng resort, isa na sa mga ito ang horror house.

Mukhang sinagad-sagad na nila ang taping kaya may posts na nakasandal na lang si Maine sa tabi ni Alden at tulog, at si Alden, tulog din. May isang post na yakap ni Maine ang isang malaking teddy bear, tulog siya at nasa isang chair naman si Alden na tulog din.

Pero mas nakakaawa si Maine sa post na kahit nakatayo ay tulog siya at nakaaalay lamang si Alden para hindi siya bumagsak.

Mukhang inumaga na ang shoot dahil may posts from sunset to sunrise at ang latest na time frame, 5:44 AM.

Nabigyan lamang daw ng chance na magpahinga at makatulog ang dalawa dahil dumiretso na sila sa taping ng God Gave Me You, ang Lenten Special ng Eat Bulaga para sa Holy Wednesday, na kasama nila si Jake Ejercito. Wala na kasi silang time dahil paalis si Alden for his Canada tour with Rocco Nacino, sa March 21. Nakatakda namang magbabakasyon si Maine with her family sa New York sa Holy Week, na next week na rin.

Samantala, nagpasalamat si Maine sa pamamagitan ng kanyang Instagram account sa pagkapanalo niya sa katatapos na Nickelodeon Asia Kids Choice Awards’ Favorite Pinoy Personality.

“Thank you everyone for all your efforts! Sa lahat ng bumoto, from morning til evening, sa mga nagpuyat para mag-tweet for me, sa inyong lahat! Too bad I won’t get slimed but getting this award is more than enough for me! I wouldn’t win this if not because of all your efforts! From the bottom of my heart, maraming-maraming salamat sa lahat! My heart is filled with so much love from all of you guys! Sulit ang kadudutdot! Congratulations sa ating lahat!” saad sa post niya.

Pagbalik naman from the EB Lenten special taping, aasikasuhin na ni Alden ang rehearsal para sa coming solo concert niyang Aldenvasion na gaganapin sa Ynares Center, Antipolo City sa Friday, March 18. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na si Alden sa AlDub Nation dahil sold out na ang tickets, na ang pinakamamahal pa ang unang nabenta.

Special guest ni Alden sina Andrea Torres at Mike Tan. Mayroon nga kaya siyang very special guest? Good luck, Tisoy!

(NORA CALDERON)