Limang katao ang nasawi habang 34 ang nasugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, iniulat kahapon.

Sa nahuling ulat ng Ramon Magsaysay Municipal Police, nangyari ang insidente dakong 9:00 ng umaga noong Lunes sa national highway ng Sitio Alang-Alang sa Barangay Poblacion, Ramon Magsaysay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Sanny Santa Romana, 38, ang pampasaherong Starlight Express bus patungong Molave nang mawalan umano ng preno ang sasakyan at bumangga sa truck na minamaniobra ni Julio Dela Cerna, na bumangga naman sa Toyota Innova na minamaneho ni Jover Constantino, 34 anyos.

Dead on the spot si Dela Cerna, habang sa ospital naman binawian ng buhay sina Fernando Labadan, 68; Gracel Gallano Labadan, 35; ang dalawang taong gulang na si Lorca Labadan; at isang hindi nakilalang pasahero ng truck.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nakakulong na si Santa Romana at kakasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at physical injuries. (Fer Taboy)