Magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Shell, epektibo 6:00 ng umaga ay magtataas ito ng P1.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.25 sa diesel, at P1.15 sa kerosene.

Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines at nagtaas ito ng kaparehong presyo sa gasolina at diesel nito.

Ang bagong taas-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Marso 8 nang nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng 80 sentimos sa presyo ng gasolina,70 sentimos sa kerosene at 65 sentimos sa diesel.

Kahapon, kanya-kanyang diskarte at nagkumahog sa mga gasolinahan ang motorista sa pagpapakarga ng petrolyo sa kanilang mga sasakyan upang makatipid kontra sa bagong oil price hike ngayong Martes. (Bella Gamotea)