Sa panahon ngayon na madaling tamaan ng heat stroke ang mga tao, magkakaroon ng pahinga ang mga field personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang pahinga para sa mga field personnel na madalas nabababad sa matinding init ng araw ay tinatawag na “heat stroke break”.

“Starting March 25, all field personnel will get a 30 minute break from 11 a.m. to 3 p.m.,” inihayag ni Chris Saruca, pinuno ng MMDA Traffic Discipline Office sa programang “MMDA sa GMA” ng DZBB radio station.

Sa oras ng nasabing break, maaaring gawin ng field personnel, karamihan ay traffic constables, ang anumang nais nila para maiwasan ang heat stroke.

'Dao Ming Si' ng Las Piñas City, may mensahe sa mga nalito

“Pwede silang uminom, lumilim at magpahinga,” paliwanag ni Saruca. (Rizal Obanil)