Diego Loyzaga copy

MAHAHARAP sa kasong Physical Injury sa Taguig Prosecutor’s Office ang young TV star na si Diego Loyzaga, anak ni Cesar Montano at ni Teresa Loyzaga matapos akusahan ng pambubugbog sa magkapatid na lalaki sa The Palace Pool Club sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig nitong Linggo.

Pormal na naghain ng reklamo sa Taguig City Police ang biktimang si Wilmer Paulo Lopez, 18, at kuya nitong si Wilmer Angelo, 19, laban sa inaakusahang 20-anyos na si Loyzaga at ang kanyang grupo.

Sa ulat, dakong 4:30 ng madaling nang mangyari ang umano’y pambubugbog ng grupo ni Loyzaga sa mga biktima sa loob ng nasabing pool club.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Bago ang insidente, sinasabing nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mga biktima at ang grupo ni Loyzaga.

Nagtamo ng mga pasa at sugat sa mukha at iba’t ibang parte ng katawan ang magkapatid na dinala sa Taguig-Pateros Distict Hospital.

Unang dumalo ang mga biktima at ang grupo ni Loyzaga sa party ni Julian Estrada, anak ni Sen. Jinggoy Estrada at apo ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Sa naturang pagdiriwang, nalasing umano si Loyzaga.

Si Loyzaga ay huling napanood sa Pangako Sa ’Yo ng ABS-CBN kasama ang teen superstars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. (BELLA GAMOTEA)