Sinopresa ng University of Santo Tomas ang dating namumunong.

Adamson University,26-24, 25-23, 25-23 at nakinabang din sa ispesyal na panalo ng De La Salle University kontra University of the Philippines kahapon sa second round ng men’s division ng UAAP Season 78 volleyball championship sa San Juan Arena.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Fighting Maroons sa barahang 4-5 panalo- talo at ngayo’ y magkasosyo ng Tigers sa ika-apat na puwesto

Konsolasyon lamang para sa Falcons ang pananatili sa ikalawang posisyon hawak ang 6-3 marka kasalo ng National University.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagtala si Andrei Manuel Medina ng 15 puntos na sinundan ni Jason Sarabua na may 13 puntos upang pangunahan ang Tigers.

Nag-iisa namang nakaiskor ng double figure si Michael Sudaria para sa Falcons sa itinala nitong 12 puntos.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Falcons sa second round matapos manguna sa first round kasunod ng pagtatalaga sa kanilang coach na si Domingo Custodio bilang interim coach ng kanilang women’s team bunsod ng pagbibitiw ni coach Sherwin Meneses.

Nagposte naman ng game-high 22 puntos si Raymark Woo para pangunahan ang Green Archers sa kanilang ikatlong panalo, 26-24, 19-25, 25-23,25-21, laban sa Maroons. (Marivic Awitan)