SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Pinaniniwalaang pakikipag-away sa asawa ang dahilan ng pagbibigti ng isang lalaki, na natagpuan ng kanyang kapatid na lalaki na nakabitin at wala nang buhay, sa kanilang bahay sa Barangay San Juan sa lungsod na ito.

Pasado 4:00 ng hapon nitong Huwebes nang madiskubre ni Armando De Guzman ang nakabigting kapatid na si Anthony De Guzman, 30, may asawa, ng Bgy. San Juan.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong 2:00 ng hapon ng araw na iyon ay nakita pa ni Armando ang kapatid niya sa loob ng bahay habang galit na galit, matapos umanong makipag-away sa misis nito. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog