DUMAAN sa kawikaan na butas ng karayom ang EmilioAguinaldo College bago naigupo ang Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi Motors, 90-81, sa 2016 MBL Open basketball championship kahapon sa EAC Sports and Cultural Center sa Manila.

Hataw si Igee King, anak ni PBA legend Abe King, sa naiskor na 18 puntos para pangunahan ang Generals, pinapangasiwaan ng bagong coach na si Ariel Sison.

Ang kabayanihan ni King ay nagselyo ng panalo ng Genersls matapos bumangon ang Blue Warriors mula maagang pagkabaon at makadikit sa 74-78 sa huling bahagi ng laro.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Nanguna si Francis Munsayac sa Generals sa naiskor na 20 puntos, kabilang ang tatlong triples, para sa Generals, na umangat sa 2-1 sa kumpetisyon na sinusuportahan ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Couriers at Gerry’s Grill.

Namuno si Ivan Villanueva sa kanyang 23 puntos para sa OLLTC-Takeshi nina manager Ismael J. Alamares at Dr. Jennifer Alamares at coach Monel Kallos.

Samantala, pinataob ng Philippine Christian University ang Microtel Plus, 130-82, para sa ikatlong panalo sa apat na laro.

Nagpasiklab ng husto si Jackson Corpuz na nakubrang game-high 33 puntos para sa Dolphins, na nasa pangangalaga ni dating St. Benilde standout Elvis Tolentino bilang coach.

Nanguna si ABL veteran Toto Bandaying para sa Microtel ni Jun Da Jose sa kanyang 16 puntos.

Iskor:(Unang laro)

EAC (90) -- Munsayac 20, King 18, Morada 11, Pascua 7, Laminoli 6, Guzman 5, Diego 4, Mendoza 3, Estacio 3, Aguas 3, Mendoza 3, Neri 3, General 2, Corilla 2.

OLLTC-Takeshi (81) -- Villanueva 23, Nalos 16, Polican 11, Pineda 8, Marilao 8, Torrado 5, Garcia 4, Burtonwood 4, Castro 2.

Quarterscores: 25-17, 42-38, 64-57, 90-81.

(Ikalawang laro)

PCU (130) --Corpuz 33, Tambeling 18, Vasauez 16, Ayonayon 11, Meruado 8, Catipay 7, Apreko 5, Costan 5, Palatao 5, Malto 3, Bautista 2.

Microtel Plus (82)-- Bandaying 16, Sargent 11, Seraj 9, Taladua 8, Managuelod 7, Barnes 6, Pamulaklakin 5, Kalaw 5, Comerciase 5, Catamora 3, Vacaro 3, Sanchez 2, Pablo 2.

Quarterscores: 37-12, 67-30, 93-58, 130-82.