JANE AT ARJO copy

TINANONG namin si Arjo Atayde tungkol kay Jane Oineza na umamin sa KrisTV na pinopormahan niya.

“Tita, honestly gandang-ganda ako sa kanya and I want to get to know her. But of course, I don’t want to jump into anything without getting to know her, so nagti-text kami when hindi busy.

“So, for now ganu’n na muna, kasi wala po talagang time but I’ll take it from here,” sagot ng aktor.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Oo nga, paano makakapanligaw ng maayos si Arjo, e, busy siya sa tapings ng Ang Probinsiyano. Katunayan, tuwing araw ng Linggo na lang siya nakakausap at nakikita ng pamilya niya.

Samantala, tinanong din namin ang binata kung in love ba talaga o nagkukunwari lang si Joaquin (character niya) kay Carmen (Bela Padilla) sa Ang Probinsiyano na patuloy na namamayani sa ratings game.

Hindi kasi kami naniniwala na totoong mahal na ni Joaquin si Carmen base sa tumatakbong kuwento ng Ang Probinsiyano dahil alam naman ng mga manonood na may pinaplano ang binata na kunin ang loob ng hipag ni Cardo (Coco Martin) para malaman ang mga plano ng huli.

Si Joaquin ang pumatay kay Ador kaya imposibleng magkagusto talaga siya kay Carmen na biyuda nito. Tuwiran din niyang nabanggit na pasasakayin lang niya ang balo ng kasamahang pinatay niya.

Pero mukhang nagbago ang takbo ng kuwento dahil nag-aaway na ang mag-amang Joaquin at Tomas (Albert Martinez) ngayong umiiwas na ang una sa mga plano ng ama, kaya gigil na gigil ang huli kay Bela na naging dahilan ng pagbabago ng anak.

Kaya nang makausap namin si Arjo, hindi namin pinalampas ang pagkakataon na itanong ang motivation ng character niya sa aksiyon-serye.

“Yes, Tita Reggee, na-in love naman ako sa kanya sa kuwento,” diretsong sagot ng aktor.

Hindi ito patibong o set-up lang at pagkatapos ay ilalaglag niya sa huli?

“Well, base naman sa kuwento, gusto ko talaga siya.”

Sabagay, walang leading lady si Arjo sa Ang Probinsiyano dahil halos lahat ay nabibighani kay Cardo, tulad ni Bela na hindi matanggap noong una na nahuhulog na ang loob niya sa kakambal ng asawa, pero dahil ramdam niyang hindi siya gusto nito ay nabaling ang atensiyon niya sa pulis na hindi niya alam, pumatay sa asawa niya.

Obviously, si Maja Salvador ang leading lady ni Coco kaya hindi talaga magkakaroon ng Cardo-Carmen romance.

Pabirong tanong namin kay Arjo, kung wala bang boyfriend si Bela ay magkakagusto siya?

“She’s charming, tita,” natawang sagot ng binata.

Pero hindi magkakagusto kay Bela ang binata nina Papa Art Atayde at Sylvia Sanchez dahil wala pa sa showbiz ay magkaibigan na silang dalawa. At higit sa lahat, kaibigan ni Arjo ang boyfriend ni Bela na si Neil Arce.

(REGGEE BONOAN)