Nais ni dating Justice secretay at ngayo’y senatorial candidate Leila de Lima na magkaroon ng mabilis na hustisya upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa mga piitan sa buong bansa.

Aniya, sa pamamagitan ng mabilis na paggulong ng hustisya ay mababawasan din ang agam-agam at pag-aalala ng mga nasasangkot sa krimen.

Aminado ang dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) na may mga sapat na batas ang bansa pero ang nagiging problema ay ang mabagal na proseso sa paglilitis.

Kung palarin na mahalal bilang senador sa Mayo 9, tiniyak ni De Lima na pagtutuunan niya ng pansin ang mga sangkot sa investment scam, human trafficking, ilegal na droga, panggagahasa, at iba pang uri ng heinous crime.

Eleksyon

11 senatorial aspirants ng Makabayan, sabay-sabay naghain ng COC

Para matugunan ito, sinabi ni De Lima na dapat gawing simple ang sistema ng pagsugpo sa krimen, sa larangan ng imbestigasyon at pag-uusig sa mga akusado.

Sinabi pa ng dating kalihim na hangad niya rin na mabigyan ng pantay na pagtrato sa ilalim ng batas ang lahat ng akusado. (Leonel Abasola)