GAZA CITY, Palestinian Territories (AFP) – Pinaulanan ng bala ng Israeli plane ang Hamas bases sa Gaza Strip, kahapon ng umaga, na ikinamatay ng isang batang lalaki na nakatira malapit sa lugar na kanilang puntirya, habang nasugatan naman ang kapatid nitong babae, ayon sa tagapagsalita ng Gaza Health ministry na si Ashraf al-Qudra.

Patay sa raid si Yasin Abu Khussa, 10, habang malubhang nasugatan ang kanyang nakababatang kapatid na si Yasmin, 6, at ang kapatid naman nilang si Ayub, 13, ay may natamong maliliit na sugat, pagkukumpirma ni al-Qudra sa AFP.

“In response to the aggression, the Israel Air Force targeted four Hamas sites in the northern Gaza Strip,” anang militar.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo