CAMDEN, Maine (AP) — Naghain na ng diborsiyo ang asawa ng American Pie singer at songwriter na si Don McLean sa Maine.

Ayon sa abogado ni Patrisha McLean na si Gene Libby, noong Huwebes naghain ng legal na papeles ang kanyang kliyente at binanggit na ito ay dahil sa “adultery, cruel and abusive treatment, and irreconcilable differences.” Sila ay kasal sa loob ng 30 taon.

Matatandaang inaresto si Don McLean nitong Enero kaugnay sa kasong pananakit. Siya ay umapelang not guilty.

Simula noon ay pinagbawalan na si Don McLean na lumapit at makipag-usap kay Patrisha. Ayon sa pahayag ni Libby, si Patrisha ay nagkaroon ng “strength and insight away from his influence and control.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ayon naman sa abogado ni Don Mclean na si Michael Asen, walang katotohanan ang mga akusasyon ng abogado ng asawa ni Don. Sinabi rin niya na si Don McLean, “cares very deeply about his wife and family” at “this wasn’t what he wanted.”