Aiko-Melendez-1210 copy

HUMARAP si Aiko Melendez sa presscon ng Story of Us, ang bagong teleserye niya sa ABS-CBN kasama sina Kim Chui at Xian Lim, Zsa Zsa Padilla at iba pang Kapamilya stars.

Gumaganap si Aiko sa The Story of Us bilang madrasta ni Kim na si Zsa Zsa naman ang totoong ina.

Pumantay pa rin ang level ni Aiko sa maiinit na artista base sa rami ng mga tanong sa kanya. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Isa sa paulit-ulit na itinanong sa kanya ang tungkol sa kanyang lovelife at kung may plano ba siyang maging married ulit.

“As of now wala pa akong planong magpakasal. May dini-date ako pero nagsisimula pa lang kami at nasa point pa lang kami ng getting to know each other,” sagot ni Aiko.

Matagal-tagal na ring walang nali-link kay Aiko, ang huli ay ang pagkakamabutihan daw nila ulit ni Jomari Yllana.

“Si Jom ay single ngayon, inamin niya sa akin. Pero nakikipag-date ako ngayon sa iba at binuksan ko na rin ang puso ko. Pero mas priority ko na ngayon si God at gusto ko na next time na magkaroon ako ng karelasyon ay si God ang nasa center ng aming relasyon. Kami ni Jom, may usapan kami na kapag hindi pa ako nakahanap ng para sa akin after three or four years at kung si Jom naman ay single din, baka kami na lang dalawa. Pero hindi rin lang kami ang nagdasal na sa bandang huli kami ang magkasama, dahil maging mga kapamilya namin nagdadasal na rin na sana sa bandang huli ay kami ang magkatuluyan ni Jom.” (Benny Andaya)