KUPANG, Indonesia (AFP) – Anim na migranteng Bangladeshi na nahuling pumapasok sa dagat ng Australia ang pinabalik ng border patrol sa Indonesia sakay ng isang bangka, sinabi ng isang opisyal ng Indonesia nitong Huwebes.

Binatikos ng Indonesian foreign ministry ang hakbang, at muling iginiit ang posisyon nito sa kontrobersiyal na polisiya ng Australia kasabay ng babala na mapanganib ito sa karagatan.

Ang anim na lalaki at dalawang Indonesian crew ay umalis sa silangang lungsod ng Kupang sa Indonesia noong nakaraang linggo patungo sa Australia.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo