IKINUWENTO nina Kim Chiu at Xian Lim sa grand presscon ng The Story of Us noong Martes sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN na nag-enjoy silang kasama si Ms. Zsa Zsa Padilla nang kunan ang mga eksena nila sa New York dahil may naghahanda sa kanila ng pagkain at naglilinis ng bahay na inupahan nila.

Kaya ang biro ng entertainment press, ang ganda ng tagaluto nila.

Sumunod pala sa New York ang architect boyfriend ni Zsa Zsa na si Conrado Onglao, kaya naurirat ang singer/actress kung may plano na silang magpakasal.

“Plano pa rin hanggang ngayon,” matipid na sagot ng Divine Diva.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayaw banggitin ni Zsa Zsa kung saang bansa sila ikakasal.

“This year, pero surprise. Pati sa kanya surprise. Sabi ko, ako’ng bahala.”

Hindi raw bonggang kasalan ang magaganap dahil intimate lang ang gusto nila at mga anak lang nila sa mga dating karelasyon ang imbitado.

“Napakasimple lang naman talaga ng gagawin namin, eh. Ang gusto ko lang, talagang present ‘yung mga anak namin,” sabi ni Zsa Zsa.

Bakit tipid na tipid siyang magbigay ng detalye at tila hindi nagpapakita ng excitement sa kasal?

“Kasi hindi sa edad ko talaga, hindi na. Napi-pressure ako na may masaktan, meaning walang maimbita. And I don’t want it to be big. Kasi sabi ko, hindi ko naman ito first wedding. Meron pa akong naudlot na wedding, na-trauma ako, eh.

“Kapag nagpaplano ako, nata-trauma ako, eh, parang nane-nega na ako na hindi matuloy, baka may mangyari. Sabi ko, siguro kung bibiglain ko na lang, pati siya mabibigla na lang,” paliwanag ng gumaganap na ina ni Kim sa The Story of Us.

Samantala, masaya ang buong team ng The Story of Us sa mataas na ratings nila at abangan daw ang New York City scenes na mapapanood na sa susunod na linggo. (Reggee Bonoan)