KRIS copy copy

MAGANDANG balita ang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang fans via Instagram (IG), ang pagbabalik sa normal ng BP niya na ilang araw na ring mataas at ikinabahala ng kanyang mga kapatid.

Parang alam na ng followers ni Kris na tungkol sa career niya ang tinukoy niyang, “need to make some important life choices in the next few days.” Okay sa kanila kung magpapahinga muna sa TV si Kris, lalo na ang kasalukuyang morning show niya, basta maging healthy siya.

May mga nag-suggest na iwan na niya ang KrisTV dahil madalas na sa labas ng studio ang taping niya. Napapagod siya ‘pag malayo ang location, mas maganda raw kung balikan na lang niya ang Kapamilya Game Ka Na Ba dahil sa studio lang ng ABS-CBN ang taping.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nakakaloka lang sa IG ni Kris, kanya-kanyang suggestion ang followers niya on what to take, what to drink, what to avoid and what to eat. Siguradong mahihilo si Kris kung alin sa mga suggestion ang kanyang susundin. Kami ngang nakikibasa lang sa mga comment, nahihilo na! (NITZ MIRALLES)