425_calvin_harris_taylor_swift_cake_snapchat copy

SINA Taylor Swift at Calvin Harris ay 365 days nang openly dating!

Ibinahagi ng 32 taong gulang na DJ/music producer sa Snapchat nitong Linggo ang isang cute na video kung paano nila ipinagdiwang ng kanyang girlfriend ang kanilang unang taong anibersaryo.

Sa isa namang video, mapapanood ang isang chocolate cake na may nakalagay na “1 year” at may dalawang pulang puso, masayang-masayang sinabi ni Harris na, “One year, we got one-year cake!” at ang New Romantics singer naman na si Taylor ay ngumiti at tumango.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Makalipas ang isang oras, ibinahagi naman ni Swift sa Instagram ang gold locket na may nakaukit na petsang “3.6.15.”

“One year down!” caption ni Swift, kalakip ang pusong emoticon.

Ilang beses na silang namamataang magkasama simula nang aminin nila ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Nagsimulang kumalat ang usap-usapan tungkol sa kanila nang Makita silang masayang magkasama sa Nashville, Tennessee.

Pagkaraan ng isang buwan, nakita silang sweet na sweet sa 2015 Billboard Music Awards, at doon ay mahigpit na nagyakapan at naghalikan. #RelationshipGoals! (ET Online)