Kesha copy

NASHVILLE, Tenn.(AP) — Maluha-luha si Kesha, na nagsabing inabuso siya ng kanyang producer, nang tanggapin ang kanyang parangal sa pagsuporta niya laban sa pang-aabuso sa mga lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) youth.

“As many of you know I am going through some personal things that have been really intense and hard lately and I just want to say thank you for the support I have received,” sabi niya sa mga manononood sa ginanap na salu-salo Nashville, Tennessee, kung saan siya lumaki.

Sa kanyang pahayag nitong Agosto, sinabi ni Kesha na ginahasa siya ng kanyang producer na si Lukasz Gottwald, ilang dekada na ang nakalilipas matapos siyang painumin ng pampatulog.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Ayon sa mga abogado ni Dr. Luke, sinabi umano ni Kesha na, “never made sexual advances at me” noong siya ay tanungin kaugnay sa iba pang kaso noong 2011. Ngunit ayon naman sa abogado ni Kesha, takot pang magsalita noon ang pop star.

Sa kanyang speech noong Sabado, halos hindi na makapagsalita ang singer at lumayo sa mikropono upang kalmahin ang sarili. Ipinaramdam naman ng mga manonood ang suporta sa kanya.

Ayon sa singer, na ang buong pangalan ay Kesha Rose Sebert, siya ay isang “misfit” habang lumalaki.

“My message today is don’t be afraid to speak up against any injustice you experience,” aniya. “Don’t let people scare or shame you into changing the things about you that make you unique.”

Ayon pa kay Kesha, ang kanyang 2010 hit song na We R Who We R ay ginawa para sa mga kabataan na nakaranas ng pang-aabuso.

“We can’t be afraid to fight for our dignity,” aniya. “These are our basic human rights.”

Ang taga-suporta ng Tik Tok singer ay bumuo ng hashstag sa Twitter na “#freekesha” at iba pang mga singer at celebrity ang nagpahayag ng kanilang suporta, kabilang na rito sina Lady Gaga, Adele at Taylor Swift.