Sa halip na magpasalamat sa pag-aaya sa kanyang kumain, hinabol ng saksak ng isang lalaki ang kanyang ina sa Caloocan City, nitong Linggo ng hapon.

Hawak pa ng suspek na si Sonny Villanueva, 35, ng No. 180 PNR Compound, Barangay 73, ang patalim na nang mahuli siya ng mga pulis.

Kuwento ng biktimang si Leonora Villanueva, 59, dakong 1:00 ng hapon nang inayang kumain ang kanyang anak, pero galit na g alit itong sumigaw sa kanya, bumunot ng patalim at hinabol siya ng saksak.

Nagtatakbo si Aling Leonora at humingi ng tulong sa mga kapitbahay na tumawag naman ng pulis hanggang sa madakip ang suspek.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi ng suspek na galit siya sa kanyang nanay dahil nasugatan siya sa kamay makaraang utusan siya nitong kumpunihin ang kanilang bubong.

Hinala ng mga pulis, posibleng bangag sa ipinagbabawal na gamot ang suspek. (Orly L. Barcala)